Saturday, February 26, 2011

Sa Bingit ng Isang Pamamaalam...(Ikalawang Kabanata)

mula nang makipagkilala sa akin si Jonathan ng mga oras na yun, di na siya naalis sa utak ko halos mga panahon wala akong magawa eh siya ang lagi kong naiisip. Naglalaro sa utak ko kung anung klase ba siyang tao? masayahin ba siya tulad ko or medyo slight ang pagkatemper? lalaki siya at alam ko ang mga lalake madaling uminit ang ulo, at for sure, marumi ang utak! kilala ko ang mga lalake kapag may mga ganun mode ng approach sa mga bakla eh dumudulo na sa pagiging manyak ang term. Mahirap talagang makipagkaibigan sa lalake lalo ka kapag bakla ka. Nandyan yung paglalaruan ka nila, lalaitin at sa pagkasahol eh gagawin kang tunay na lalake. Anu ba kasi ang problema at kailangan pang maging matigas tulad nila?..eh matigas naman ang mga bakla ah? sanay nga sa bugbugan eh at minsan nga mas matigas pa nga sila sa mga tunay na lalake, kasi, kayang magtiis kahit gaanu pa kasakit ang mga bagay at mga pangyayari..lagi ko tong tinatanung sa sarili ko kapag ganitong sitwasyon ang dumadating. Minsan napapahinga na lang ako ng malalim. Unfair talaga ang Pilipinas!! UNFAIRRRRR!!....

"anung problema at tinatapon mo ang tubig sa lababo?"...dumating na pala ang tito ko galing trabaho. Napansin niang natatapon na pala ang iniipon kung tubig sa batya at ako ay nakatulala sa kung saan..

"ah wala po!...

"nakapagluto ka na ba?! nagugutom na ko..."

"katatapos lang to, kumain na lang po kayo dyan kung kulang pa po sabihin nio lang po sakin at makapagluto pa po ako ng isa pa..."

saksakan ng takaw ang Tito ko kapag gutom siya. asahan na ang dalawang beses na lutuan ng kanin dahil for sure kakapusin na naman ang niluto ko na kanina kanina lang..

inumpisahan na ng Tito ko ang paglapang(pagkain)at wala pang 15 minutes, mauubos na niya ang kabuuan ng kaldero. Naku mukhang di ata siya ngumunguya ng maraming beses at pakiramdam ko eh lunok lang ng lunok ang tabatchoy.

pinagmamasdan ko lang ang Tito ko habang kumakain ng niluto kong ulam. kaya siguro di nag-asawa kasi malamang di niya makakasundo ang sinumang papatol sa kanya, or if ever di talaga siya makakasundo dahil sa way ng paglapchus(pagkain) nia ng fudang(food). Grabe! parang wala nang bukas...


natapos ang Tito ko at busog na busog, napaupo na lang siya sa sofa na parang napagod sa karera ng mga baboy sa piggery. napapangiti na lang talaga ako.

"kamusta na ang problema mo sa professor mo?"

nakalimutan ko ngang may sigalot pala na nangyari sa school last week. binagsak ako ng prof ko dahil sa di ko siya nakasundo sa pamamalakad ng pagtuturo sa loob ng klase. Eh naku naman kasi,iba ang level ng kaisipan ni teacher, ayaw sa mga di nag-aaral at mas lalo ayaw sa mga bobong students. O siya sige, siempre di naman ako papayag na ganun nia laitin ang klase namin. sinagot ko siya na feeling nya eh parang kaedad ko lang siya. ayun! kinabukasan wag na daw akong pumasok sa klase nia.. nakakaimbierna lang dahil yung iba kong classmate di man lang ako tinulungang ipagtanggol din. Mas natatakot sila na bumagsak kesa makipagtunggali sa baluktot na isip ni prof.

"ah ayun po ba?! sagot ko na parang walang alam..

"anu pa nga ba?!

"maayos na po yun..kinausap ko na po yung Dean namin kung pwede akong lumipat ng ibang klase, sabi naman nia eh ok naman po..kaya ayun nakalipat naman at mag-uumpisa na ulit ako sa subject na kinuha ko before na di natapos kasi..."

naputol ang sasabihin ko ng biglang sumabat bigla si Tito

"kasi masyado kang pakialamero ng isipan?!..

natigilan ako sa tinuran ni Tito..

"pero wala naman akong sinabing masama? ayaw ko lang kasi na nilalait nia kaming mga estudyante nia, gawain ba yun ng matinong teacher?!?! keso wala daw kaming panahon mag-aral at mga bobo daw kami?...eh wala nga kaming pambiling libro at iilan lang ang mga aklat sa library?...kaya nga gumagawa kami ng paraan para magkaparaan ng magkaroon ng kopya ng pinababasa nia?nagpapaxerox kami ng libro nia na sobrang mahal tapos magagalit siya kasi bawal daw yung ginagawa naming pagrereproduct ng libro makalingat kami isang beses siya pala ang author! mapagsamantala siya!

...di ko talaga napigilan ang sarili ko ng mga oras na yun bigla na lang lumabas sa dibdib ko yung mga bagay na nasabi ko rin sa Professor ko.

"kahit na! dapat di mu pa rin sinagot!??"

"ay naku Tito, mas gugustuhin ko pang bumagsak na lang talaga sa subject nia kesa tumagal sa mga turo niya saming baluktot...

di pa rin tumigil si Tito sa pagtanggol sa prof na yun, palibhasa kasi kaibigang matalik kaya di na rin nakakapagtakang pareho sila ng ideya. Minsan pati sexual orientation ko pinakikialaman.

Nagtratrabaho sa School na pinapasukan ko ang tito ko at siya ang bukod tanging nagpapaaral sakin. kaya siguro pumasok na rin sa utak nia ang pakialaman pati buong pagkatao ko..pero di naman ako nagpaligwak sa kanya..

palaban naman ako kahit papaano..

(itutuloy)

0 comments:

Post a Comment