Saturday, February 26, 2011

Sa Bingit ng Isang Pamamaalam...(Unang Kabanata)

Nakilala ko si Jonathan( di tunay na pangalan) sa aming inuupahang bahay sa Sta. Mesa, Manila. Bagong lipat sila nun, at ako naman ay nakatira na ng matagal sa aking tiyuhin. Siempre tulad ng dati, masaya kami kasi may ibang tao na namang titira sa likod ng apartment. May bago na namang putahe ang mga tisimosa sa kalye namin. Di tulad ng ibang mga lalake sa lugar namin, si Jonathan lang ang maputi at matangkad, kutis mayaman ika nga. Kaya naman, di nakakapagtakang napalingon agad ang mga mata ko sa kanya. Bakla nga ako, marunong tumingin ng panget sa gwapo.

"San na naman napunta yang mga malalaki mung mata bakla?"

Si Minerves..ang baklang pusali ng makabagong panahon, di ko narinig na nasa harapan na pala siya ng bintana at hawak na naman ang kanyang bagong mating(nakaw) na bagelya(bag). Kahit kailan talaga, di papatalo ang baklang to sa pakikipagsabayan sa latest, siya na naman ang bida malamang sa mga baklitang tatambay mamayang hapon sa kalye Amoranto.

"eh anu bang pakialam mu?" sagot ko habang nakapamulagat sa kanya.

"grabe ka naman!.....madam.....nagtatanung lang eh"..sabay bunot ng foundation

nasanay na kong tawagin ni Minerves na madam, ewan ko ba dito sa baklang to at ako ang kinoronahan niang madam ng buong sangkabaklaan sa lugar namin. Marami namang baklang mas matanda dito pero bakit ako? siguro eh lagi ko siyang tinatarayan at pinagsasabihan kapag rumarampa at napapadaan sa apartment na bitbit ang mga reklamo sa mga lalakeng bumugbog sa kanya dahil sa di nia nabayaran o tinakasan nia.

Minsan, Pauwi ako galing sa tindahan ng madaling araw nakita ko tong si Minerves, na halos bugbog sarado. di na mabasa ang mukha dahil sa dami ng paso ng sigarilyo at pasa sa katawan. palibhasa itinakwil na rin ng tatay na nag-aalaga sa kanya nuon pang bata siya, at pinalayas nang magladlad. Halos kaawa awa ang kalagayan nia, at walang mapuntahan.

Naawa ako ng husto kay Minerves at kinupkop ko muna habang nagpapagaling ng kanyang mga sugat.Halos tatlong linggo din siya sa bahay, bago tumulak pauwi sa kanyang tiyahin. Napapahinga na lang ako ng malalim kapag sa tuwing umaaray siya dahil sa tindi ng kanyang mga tinamong sugat buhay sa mga nagtrip at nagpabogbog sa kanya. sadya talagang di magandang lugar ang ganitong klaseng barangay sa mga katulad namin, talamak sa pagdudusta ng mga tao lalong lalo na ang mga kalalakihan.
Mula nuon sinabihan ko na si Minerves na huwag gagala sa kalye lalo nang dis oras na ng gabi. Di na nagparamdam si bakla ng matagal na panahon, natakot na siguro sa nangyari sa kanya. pero pagkalipas lang ng ilang araw, ayun naririnig ko na naman ang bunganga ng gaga kasama na naman ang mga katulad niang rampadora ng mga kalsada. Muntikan ko na talagang masabunutan si Minerves parang di natututo sa nangyari sa kanya. Pero wala na rin akong nagawa, dun talaga ang ikakasiya ng kanyang pagkabakla eh, maraming kaibigan pero lapitin ng mga bugbog. di bale mabibilis naman silang tumakbo, parang nagmamarathon kapag may mga lalaking handang manggulo sa kanilang hanay.

"teka!..saan ka naman ba pupunta at nagawi ka naman dito??..


"Saan pa madam?..eh di dyan sa Kalye amoranto!" nakataas ang kilay ng bakla habang winawagay ang kanyang bagong bag na Martinis na gawa sa balat ng kabayo. nagulat ako dahil may bago na naman siyang ipagmamayabang sa mga kabarkada niang mga bakla din sa kanto..

"mukhang masuwerte ka ngayon, at nakabingwit ka na naman ng bagong bagelya, san mu naman ninakaw yan???


'sobra ka naman madam!!...regalo sa akin to ng jowa ko nu?



Ows?!...jowa kelan ka nagkaroon ng jowa?..eh lagi kang bugbog sarado kapag dumadaan dito ng wala dalang lalake para ipakilala mu sa kin?...pagtataka ko kay Minerves ng walang halos kaplastikan..


"kaya ka wala pa ring jowa ngayon madam kasi masyado kang mala lola basyang ang moda, try mo kayang magpafresh tulad ko?...malay mu yung hinahanap mu nandyan lang pala sa tabi tabi..heheheh!"

napatingin ako kay Minerves, at nagpigil ng sarili. Baka kung anu lang ang magawa ko kapag di pa siya tumigil sa kadadaot nia sa akin.

"alam mu bakla, di ko na kailangan ng jowa...hirap nian sa panahon ngayon nu? bandang huli peperahan ka lang nila, at may souvenir pang bogbog!" sabay ngiti ng may star sa mukha..


"hahahahaha! oo nga, pero iba pa rin na may jowa ka, laging inspired di ba madam??...

sa totoo lang kinikilig ako sa mga binabanggit ni Minerves sa akin. Pero papaano ko ba naman mahahanap ang para talaga sa akin.


nasa kalagitnaan kami ng pagbabaklaan ni Minerves ng lumapit si Jonathan sa pinto ng bahay.

"pwede po bang manghiram ng balde?, wala kasing tubig sa loob ng apartment eh" tinitigan ko si jonathan mula ulo hanggang paa, My god! para siyang anghel sa sobrang kawgapuhan at kakisigan. speechless ako sa mga nangyayari kapag nagyayari ang mga ganuon minsan sa buhay ko. parang alaapaap na nilipad sa kawalan hanggang..hayyyyyy!..


"ammmmmhh!...kuya pwede po bang manghiram ng balde?" may tono ng bigat ang pakiusap ni Jonathan sa akin, nawala ako ng imagination ko..namulat ako at hinirap ko agad ang kanyang pakiusap


"ay! oo naman!..sige sandali lang kukunin ko sa loob"...nagmamadali akong kumuha ng balde sa tapat ng kusina namin na malapit lang naman din sa pintuan, bungad kasi ang kusina sa tapat ng pinto kaya madali nal lang na maibigay ko kay Jonathan ang hinihiram niang balde.


"Oh eto, pakibalik na lang agad huh? kasi sa tiyuhin ko yan...mamaya maghanap eh ako na naman ang sisihin"...paalala ko sa kanya, bago ko ibigay..

"bakit ka naman sisihin? parang manghihiram lang eh?...


namangha ako sa tinuran ni Jonathan..ito ang una kong experience na ilinaw ng lalake ang mga aksyon ko..


"eh kasi kapag may mga nawawalang bagay kasi sa apartment, ako kasi yung sinisi...masyadong kasing pathetic yung tiyuhin ko, lalo nat kapag nalaman niang ipinahiram ko sa mga lalake."



"eh magkatabi lang naman tayo ng apartment eh..heheh pero wag kang mag-alala ibabalik ko kaagad pagkatapos kong gamitn." sabay bitbit ng balde...palakad na siya ng habulin ko ulit..


"teka teka!! sandali!...anu bang pangalan mo boy?? pagtatanung ko sa lalake..


"Jonathan!! pasigaw na bigkas nia habang papunta ng apartment..


halos bumuhos ang tubig sa katawan ko ng mga oras na yun, parang isa akong tao na bagong silang sa sinapupunan ng isang lumikha. napakasaya ko...




(itutuloy)

0 comments:

Post a Comment