Powered By Blogger

Saturday, September 4, 2021

Advocacy for Fame and Capital.

Sobrang daming naglalabasan ngayon about sa mga personalities at celebrities na gustong makisangkot sa mga napapanahong issues. Talaga namang nakakaliw ang mga ganitong aksyon mula sa kanila. Para kasing unang pansin mo eh, hindi mo aakalain na kaya nila pala. May mga nagbibitbit ng issue ng mga mahihirap. Para bang nangangampanya para sa kapakanan ng mga maliliit na tayo. Namimigay ng mga relief. Dinaig pa ang mga pulitiko tuwing eleksyon. Samantala, yung mga kababayan natin laking tuwa naman at nakakita sila ng mga artista. Hindi alam ng mga mahihirap na sila ang adyenda ng mga ito, para sa personal interest. Maalalang si Gazino Ganados ay nag advocate kuno ng mga matatanda (elderly) nung lumaban siya sa Miss Universe 2019. Lumaki daw siya sa lola niya pero hindi hindi impressive ang mga judges ng MU dahil hindi ito sincere sa mga sinasabi niya. Totoong mas matimbang talaga ang mismong ginagawa mo kesa sa sinasabi. Talamak na naman ang mga Pageant now adays at mga talent searches at gagamitin na naman nila ang mga issue ng LGBT, HIV awareness at impoverised situation ng mga tao. Sana man lang eh makita nila ang totoong realidad ng totoong buhay. Na ang mga issueng nabanggit ay hindi biro at matagal nang issue na sumisira sa lipunan. I hope manawagan sila ng matinding pagbabago at gamitin nila ang kanilang impluwensya para sa kapakanan ng bawat issue gusto nilang hawakan.