
Nakakababa pala ng confidence kapag ganito ang nangyayari sayo. di mo maintindihan ang mga taong nagsusulat na ang medium ay english. di ka makasali sa mga discussions kasi di mu maexpress ang sarili mu sa English way. Gusto mong sumagot sa English Class pero naguguluhan ka kung tama ba o mali ang sagot mu. Pinagtatawanan ka ng mga tao sa paligid mu, pati sa mga net sites at mga comments ay pinagpipiyestahan ang mga mali mung grammar--you're are a BIG IDIOT!! napakasakit lalo na kung di ka nabuild na tumanggap ng mga mali. Parang gusto mu eh, sabunutan mo silang lahat at sisihin sila kung bakit di ka nila tinulungan?. pero para sa akin di pa huli ang lahat hanggat may buhay at taong gustong matuto walang imposible..
kaya sa malaon at madali, unti unti ko nang binabaka ang mga maling pagtingin ko sa aking sarili. I try to materialize all of my plans at gumawa ng mga bagay na makakapagpaunlad sa aking skills. Ang trabaho ay hindi magiging hadlang para mag-aral ulit sa paraan ng sariling sikap. nandyan lang ang mga resources sabi ko sa sarili ko. Nasasaakin na lang kung paanu ko ito gagagmitin.