Powered By Blogger

Friday, February 19, 2010

si Dolf Dolf....

kasabayan ko Dolf dolf sa pagpasok sa BC, halos matured na rin ang loko kung
titignan Physically..pero bata kung umakto ang mokong. Mahilig sa mga online games,
lalo na ang Grand Chaze na una niang kinahumalingan sa BC at walang ibang ginawa
kundi ang maglaro nito..di ko alam kung anung powers ang nakukuha nia sa paglalaro ng grand chase chuva at baliw na baliw siya dito. Ayun! after ng pagka-adik napuna
ng admin, di na nagtratrabaho, panay laro na lang..hahaha! na-probi ang mokong dahil dun, kaya naglakas ang loob na magmaganda sa lahat ng oras wag lang mawalan ng trabaho...pero kung tutuusin ay dapat naman talagang mag-ayos siya dahil pinasasahod sia ng shop.
ngunit ganun pa man, nagtagumpay ang loko at naging regular naman kasabay ko. at mapalad na naging bahagi ng nakakalokang history ng BC.

horrible ang humor at childish madalas, ewan ko ba? at ito lang ang lalaking nakakapagpatawa sa akin kapag nagagalit ako ng bongga..parang may sumthing na kumikiliti sa pwerta ko kapag nakikita ko ang kanyang nakakaimbiernang mukha at mala-dinosour na katawan. at kasabay ng pagpigil ng malalim na pagtawa nia sa harapan ko. Minsan nga di ko alam kung iniinsulto nia ba ako or sadyang ganun talga ang halakhak nia..

madalas nia kong asarin mapapersonal or mapa-online man, kaya nga kapag di kami nagkikita eh namimiss ko tuloy ang mga humor nia, yun nga lang lumalala kapag nagsasalubong ang mga pagmumukha namin, parang negative - positive relationship..hehehe

pero, infairness...malapit sa puso ko si dolf dolf, saksakan kasi ng kulit at walang keme sa katawan..kapag pinagsasabihan ko nga eh..tumatawa lang at ngumingiti na labas ang ipin na pang "BEAM commercial" nahihinto na nga lang ako, kahit pakiramdam ko eh nababastos na ko ng mga humor niang lakas MAKA-MACHO! yun nga lang di siya katulad ng ibang boys sa BC na mlakas uminom ng alak, love nia kasi yung drinks ng Jollibee lalo na ang C3 menu ng value meal..hahahaha!

sabi nga ng question sa facebook, sino daw ang taong gusto kong makasama sa isang isla?, sagot ko..walang iba kundi si Dolf dolf! kasi malamang di magiging boring ang araw ko...heheheheheh...i love you Dolf dolf!!


^_^

No comments:

Post a Comment