Photo taken from Adobo Magazine |
My ideas and my works are only the reflection of what I have observed and experienced in life as an individual and member of the oppressed.
Photo taken from Adobo Magazine |
Noong hindi pa nagpapandemic, isa sa mga exercises sa Anthropology classes ko ay ang pasakayin ang mga istudyante ko sa anumang ruta ng jeepney, mag-obserba sa lahat ng kanilang nakikita habang nakasakay, at magsulat ng jeepney ethnography. Bakit pinili ko ang jeepney para makapagsulat sila ng ethnography (deskripsyong pangkultura)? Dahil naniniwala akong ang jeepney ay microcosm ng Philippine society. Makikita sa loob ng jeepney ang ibat-ibang asal ng mga Pilipino.
Larawan mula kay Professor Nestor Castro, Ph.D |
Halimbawa, kinakailangang malakas ang pakiramdam ng pasahero habang nakasakay. Kung may bagong sakay na pasahero, kinakailangang umusog ka para makaupo siya nang maayos. Kung may nag-aabot ng bayad para sa drayber, kailangang ipasa mo ang bayad hanggang makaabot sa drayber. Hindi pupuwedeng wala kang paki.
May mga paggalang din na nararapat sa loob ng jeepney. Ayaw ng drayber na sumusutsot ka para pumara. Sabi nga sa karatula, ang pagsutsot ay para lang sa aso. Mas ginugusto ng drayber na sabihin mo ang "Para" o di kaya'y "Sa tabi lang po." Kung nasa Kabisayaan ka, "Sa lugar lang." Syempre mayroon ding "pull string to stop."
Kailangang alisto ka sa dala-dala mong mga gamit. Baka may mandurukot na nakasakay din. Alisto ka rin sa dinadaanan ng biyahe. Baka lumampas ka na sa iyong bababaan. Puwede rin namang magtanong, "Manong, dadaan po ba ito sa ____. Pakibaba na lang ako doon."
Makikita rin sa loob ng jeepney ang ibat-ibang pattern ng kulturang Pilipino. Kinakailangang magbayad ng pamasahe ang mga pasahero (compulsory pattern). Mas ginugusto ng mga pasahero na umupo malapit sa estribo para madali silang bumaba (typical pattern). Karaniwang nakabukaka ang mga lalaki habang nakaupo (typical pattern). Puwede kang nakikinig ng sounds, natutulog, o nakikipagkuwentuhan sa kasama mo habang nakasakay sa jeepney (alternative pattern). Mga maliliit lang na bata ang kinakandong at hindi pinapagbayad ng pamasahe (restricted pattern).
Makikita ang pagiging syncretic ng kulturang Pilipino sa mismong harap ng drayber (syncretic - paghahalo ng ibat-ibang kultura). Mayroong imahen ng Sto. Nino pero meron ding salaming bagua (yung may walong anggulo) para maging ligtas ang biyahe. Pero meron ding karatulang "God knows Hudas not pay."
Magkakaibang klase ng tao ang mga pasahero - may bata, may matanda, may istudyante, mayroong empleyado, may babae, may lalaki. Kadalasang hindi magkakakilala ang mga pasahero pero sama-sama sila sa iisang sasakayan at may iisang patutunguhan - ang direksyon ng jeepney. Ganyan tayo sa lipunang Pilipino. Hindi naman tayo magkakakilala pero nasa iisang bansa tayo at sana, may iisang hangarin din.
May pagkakaiba-iba rin ng kultura ayon sa lugar. May mga pumipila at nagbabayad bago sumakay. Mayroong drayber na laging kasama ang misis sa tabi na siyang nangongolekta ng bayad. May mga jeepney terminal na may mga barker - ang taga-tawag sa pasahero. Sa ilang prubinsya, may mga jeepney na mayroon ding konduktor. Bagamat iisang bansa tayo, may kakanyahan pa rin ang ibat ibang rehiyon at grupong etniko sa ating bansa. Pero lahat pa rin tayo ay mga Pilipino kahit na may pagkakaiba-iba.
Hindi komportableng sumakay sa jeepney. Pilit ipinagsisikan ang "siyaman" kahit pampito o pangwalo lamang ang kasya sa upuan sa bawat panig ng jeepney. Pero tinitiis natin ito. Ganun din naman ang buhay, puno ng kahirapan at pagtitiis. Iyong mga nakakaangat lang sa buhay ang hindi nakakaranas ng ganitong mga paghihirap.
Maraming aral na mapupulot sa pagsakay sa jeepney. Pati ba naman ang tagapagdala sa mga aral na ito ay aalisin na dahil sa kautusan ng ating gubyerno? #NoToJeepneyPhaseout
Mula sa Panulat ni Dr. Nestor Castro Ph.D, Propesor ng Antropolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas.
Riding a jeepney has always been one of my most precious memories, but now, it seems like those memories are slowly fading away. The government's decision to phase out the traditional jeepneys and replace them with modern vehicles is a cause for concern not just for drivers, but also for passengers like me. I have witnessed drivers getting pulled over by authorities due to accidents caused by their old and outdated vehicles. While I feel sad for them, I also realize that this makes them more vulnerable to the current situation.
Jeepney drivers are facing a great battle to survive in an already difficult situation. With the COVID-19 pandemic affecting everyone's livelihood, the phase-out of jeepneys will only make their situation worse. Many jeepney drivers rely on their vehicles as their only source of income, and with the phase-out, they will be forced to find new means of living. The cost of modernizing the fleet will also be a huge burden for the drivers who are already struggling to make ends meet.
As passengers, we also have a responsibility to support our fellow drivers in their plight. The government should be fully aware of the situation and come up with a solution that will benefit everyone. We should not allow the phase-out of jeepneys to happen without a fight. We should stand with our jeepney drivers and demand that their voices be heard. Let us all say no to jeepney phase-out and work towards a solution that will benefit everyone.