Powered By Blogger

Tuesday, April 27, 2010

Unang Bigwas sa Tag-init

palabas na naman ako ng bahay, basta everytime na natapos na ang pag-aayos ko, nag-iisip ako kung anu ang magiging reaksyon ng mga tao sa itsura ko na naman. Nung isang araw, pinuna ako ng kapitbahay namin, bakit daw kaparis ng uniform kong yellow yung sapatos kong dilaw din..oo nga nu?..hehehe wala na kasi akong choice na isusuot na sapatos na babagay sa damit ko, at the same time konti pa lang naman yung bagay at komportable kong sapatos. Kaya nga, this time of my work eh, nag-iipon ako ng mga sapatos..yung stylish ba? para everytime na rarampa sa kung saan eh maganda ang itsura ko. Nung isang araw naman na sumunod, nagtinginan silang lahat kasi ang laki laki ng shades ko with matching yellow tiles na cap, hanggang sa paglabas ko ng kanto nakatingin sila, pakiramdam ko habang papalayo ako eh ako ang pinag-uusapan nila..."sino ba yun?" bakit parang ang weird nia manamit" ilan lamang yan sa mga kadalasan kong marinig sa mga kapait bahay kong nasa residential area ng Tatalon dito sa may Lungsod ng QC. anyway, wala akong pakialam sa sasabihin nila, basta importante eh masaya ako sa suot at komportable ako. Hirap kasi sa mga tao kailangan mung maging close mu sila muna bago ka nila makilala ng husto. Parang yung tipong kahit anung gawin mu eh malaya kang makakagawa ng anumang ikilos mu kasi kilala ka nila.

Masaya maging totoo, at higit sa lahat masaya rin ang maraming ka-close at kaibigan..

_Bernie_

No comments:

Post a Comment