My ideas and my works are only the reflection of what I have observed and experienced in life as an individual and member of the oppressed.
Sunday, May 16, 2010
Alay sa Dakilang Kaibigan
Isa ako sa mga mapalad na nakatagpo ng isang kaklase, Kaibigan at isa mga hinahangaan kong lalake tulad ng isang Marvin Bedia. Sa unang tingin, tahimik lang pero nasa loob ang kulo ng taong ito. Medyo palalim lang ang tingin na pakiwari’y ang totoong ibig sabihin ay nagsasalamin sa kanyang mga ngiti at mga mata. Masayahin at di bakas ang problema sa kanyang mukha. Parang darating sa punto na ikaw na ang magrereklamo dahil nakikita mong lagi na lang siyang gumagawa at nagsasakripisyo alang alang sa iba. Isang katangian na di taglay ng ibang tao, na siyang dinadakila ko sa kanya. Kaya’t anuman, kahit nasan man siya ngaun…Nagpapasalamat ako kahit sa ilang taong din ko siyang nakasama ay naging mabunga naman ang kanyang mga iniwang mga alaala sa amin..ISANG PAGPUPUGAY SAYO! Kapwa ko Sosyolohista!…di ka namin malilimutan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment