Tuesday, May 26, 2026

The Sunog experience of my life.

Summer really scorching ahead and PAGASA said that it will run pa until June. Imagine, month of June eh inaapoy pa rin tayo ng init ng tag- init? iba na talaga ang dulot ng Climate change sa mundo. Sa Quezon City pa lang may recorded 46 Degree Celsius just in 2024 and 2025 alone (PNA, April 2026) and mas Lalo pang iinit sa mga darating na weeks. Hindi na talaga siya healthy! anyway, dito nga sa Marikina eh sobrang init na, given na maraming pa naman puno dito however, di na rin kinakaya because of the heat coming from different factories, vehicles along Marcos highway and population in other communities. Kaya nga ako, naghahalaman na lang talaga ako para makadagdag sa cooling effect kapag gabi since sabi nga nila, nagbibigay ng oxygen and mga halaman Lalo na kapag gabi. Nagrerelease sila ng oxygen kaya malamig minsan. hahaha! Being green is really beneficial to all. 

Pero, hindi lahat ng lugar eh blessed sa mga ganitong situation. Marami sa ating mga kababayan ay walang maayos na urban planning at ang lack of housing support and materials ay missing. Nababasa ko at napapauod ko sa social media, na maraming mga communities ngayon ang nasusunugan at minsan double tragedy pa, Nasunugan na at binaha pa! kaawa awang kalagayang ng mga pamilyang Pilipino sa urban. Hindi talaga pansinin ang mga ganitong area at nakikita na lamang ito sa mga news kapag may malaking sunog or natutupok na in real time. 

Naalala ko dati na minsan akong tumira sa mga slum areas ng QC and mind you, they were the people na pina okay despite of some negative connotation sa kanila. They were people coming from different background, galing sila sa iba't ibang provinces, they used to live in the Manila kasi dito daw sila makakakita ng pagkakakitaan dahil sobrang hirap mamuhay sa province. Kahit mahirap, at delikado, they used to live here Kahit sa mga ilalim ng creek, tulay at mga abandonadong spaces sa Metro Manila. Kahit alam nila na hindi para sa kanila ang Metro Manila they used to dream one day na makakatira sila isang maayos at tahimik na pamayanan. Hindi nila kailanman pinangarap ang ganung buhay however, wala naman silang choice kundi ang magtiis at gumawa ng paraan para makasurvive sa araw araw. 

Anyway, despite ng ganitong situation, hindi pa rin sila ligtas sa mga oppressor ng lipunan sa Urban area, kagaya ng demolisyon at mga tragedies like baha at sunog. Minsan, sila din ang puntirya ng mga pulis kapag mga hinahunting silang mga drug addicts at mga criminal. Sabi nga ng mga tao dun, sanayan na lang talaga dahil wala namang maayos na pabahay at sandamakmak ang mga requirements kung kukuha sila, nakakaubos ng panahon at pera na kung saan eh walang wala sila. Naging biktima na rin ako ng mga tragedies na yan, naalala ko dati habang nagwowork ako panggabi, pag uwi ko eh wala na kong Bahay dahil natupok na part kung saan ako tumutuloy, nakakapanghina, totoo. Pero wala eh, tanggapin ko na lang, buti na lang may kakaunti pang mga gamit ang nasalba at hindi gaanong napuruhan ang ilang mga Bahay. Pero yung part ng Bahay ko eh sadyang wala na talagang pag-asa. Narinig ko pa sa mga tao sa labas pag-uwi ko eh, may isang truck daw ng bumbero na dumating sa lugar pero wala namang daw lamang tubig yung truck pamatay sana sa mga nagliliyab na Bahay. Nakakagalit! feeling ko sinadya, may chika pa daw na may mga riding in tandem na naghahagis ng mga sinindihang gasera sa mga bubong ng mga communities. Madalas ang pattern, nangyayare kapag madilim na. Masakit nun, sa ibang slum areas, hindi na sila pinapayagang magtayo ng kanilang Bahay dahil after ng sunog eh may bakod na ng mga bad wires hindi manipestasyon na hindi na sila pwedeng tumira dun. Kaya minsan, may nakikita tayong mga tao na natutulog sa mga hagdan ng mga mall, bangko, small establishment, sa waiting shed at sa mga bangketa. Sila yung mga tao sa communities na pinalayas sa kanilang mga lugar dahil hindi naman daw sila legitimate people sa Urban Kahit ang iba sa kanila ay mga botante naman sa lugar at nagwowork dito. They were simple eyesore and some of the people treat them as not giving esthetic design in the urban areas, kaya nga di ba? kapag may mga international gatherings dito sa pinas, madalas tinatakpan ng mga tarpaulin yung highway na daanan ng mga delegado na para daw sa gobyerno eh eyesore at hindi maganda sa image ng Pilipinas. 

Kung bibigyan lang talaga ako ng powers, gusto ko yung nagiging invisible ako, para malaya akong makakapasok sa senado para pagbabatukan yung mga senadora at congressman natin na walang ginawa kundi magpabango ng pangalan at umeksena para sa kanilang pamilya at interest. They were never be a pro poor people, ginagawa lang nila yan kapag eleksyon at mga ayuda. Hello, Bong Go! hahaha! peace tayo. Anyway, nakakatawa ano? sa kabila ng mga ganitong mga sunog moments, we still choose to be alive. Totoo nga, Kahit gaano pa kainit sa mundo at ang political na situation nito, we still stand to be the lover of life despite the society is not pro life at all. Ang dami ko pang gustong ikweto, pero for now, ito muna. 


No comments:

Post a Comment

The Sunog experience of my life.

Summer really scorching ahead and PAGASA said that it will run pa until June. Imagine, month of June eh inaapoy pa rin tayo ng init ng tag- ...